Home ENTERTAINMENT Sarah Lahbati, ibinida ang bagong dyowa!

Sarah Lahbati, ibinida ang bagong dyowa!

1
0

Manila, Philippines – Viral ngayon sa social media ang tila pa-hard launch ni Sarah Lahbati sa kanyang bagong nobyo.

Makikita ito sa İnstagram kasabay ng 33rd birthday ng aktres nitong October 9.

Sarah shared photos and videos on IG–isa nga dito’y nang kantahan siya ng “happy birthday” at a resto.

May photo ding nakaakbay si Sarah sa isang mystery guy from behind, habang her left hand ay nakahawak sa kanyang birthday cake.

Mirror selfie ‘yon, kung saan ang message ng guy ay: “Happy birthday to this wonder woman [balloons, cake emojis].

Another photo shows na magkayakap sila with the sunset as backdrop on an undisclosed beach.

Ang mga litrato ay mula sa account na “Schmikmik,” a concert executive who represents Third Culture Entertainment with offices in Manila and in Hongkong.

Siya pala si Mikhail Schemm, cofounder and managing director ng CC: Concepts.

Kung boyfriend na nga  ito ni Sarah, then it’s a tie!

May Barbie Imperial na naman ang estranged husband niyang si Richard Gutierrez. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here