Home NATIONWIDE Sariling catering request ni VP Sara para sa pagkain ng defense team,...

Sariling catering request ni VP Sara para sa pagkain ng defense team, ibinasura ng Senado

4
0

MANILA, Philippines – Kaagad ibinasura ni Senate President Sherwin Gatchalian ang kahilingan ni Vice President Sara Duterte na sagutin ng Senado ang gastusin sa catering services ng defense team upang matiyak ang kanilang seguridad sa pagdalo sa impeachment trial.

Sa panayam nitong Huwebes, sinabi ni Gatchalian na hindi puwedeng pagbigyan ang kahillingan ni Duterte na tutusan ng Senado ang gastusin ng defense team para sa pagkain, inumin at halaga ng catering habang may impeachment trial.

“We cannot afford it,” ayon kay Gatchalian sa panayam.

Sinabi ni Gatchalian na kahit may natitirang pondo ang Senado, kailangan ito para sa pagrerenta ng Philippine International Convention Center para sa deliberasyon ng panukalang 2027 national budget dahil gamit ang lahat n committee rooms sa impeachment trial.

“In short, wala kaming pondo para magbigay ng pagkain,” ani Gatchalian

Kasabay nito, ikinatuwiran naman ni Senador Erwin Tulfo na walang badyet ang Senado para tustusan ang gastusin ng pribadong catering tulad ng defense team ni Duterte.

“Wala naman sa budget natin. Paano namin i-eexplain na pinakain natin ang defense team,” tanong ni Tulfo.

Sinabi ni Tulfo na mayorya ng Senado ang pumalag o mahigpit na tumututol sa kahilingan ni Duterte na gastusan ang pagkain at inumin ng defense team.

“The decision of the majority was like, bakit natin sasagutin. How do we explain that? Saan natin kukunin yung bayad sa pagkain tapos sila pa mamimili sa catering,”  giit ni Tulfo.

Sa kanyang liham na may petsang Hulyo 7 na ngayon lamang natuklasan ng media, hiniling ni Duterte ang isang exclusive catering mula sa supplier ng Office of the Vice President para sa kanilang abogado, staff at testigo sa 90 araw na trial dulot pangangailangan sa seguridad.

Makikita sa Senado na may sariling catering services ang Prosecution Panel at nagdadala din ng sariling pagkain ang defense team. Walang hiwalay na pondo naman para sa impeachment court. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here