MANILA, Philippines – Nahuli ng Antipolo City Veterinary Office (CVO) sa loob ng isang elementary school ang isang tatlong metrong haba na reticulated python o sawa nitong Martes, Disyembre 3, ani Antipolo City Mayor Jun Ynares.
Aniya, ang mahigit 1kg na sawa ay nahuli ng CVO sa loob ng Muntindilaw Elementary School at ligtas na nai-turn over sa Provincial Environment and Natural Resources Office (PENRO).
Hinimok ni Ynares ang mga residente na makakakita ng ahas sa kanilang mga tahanan na huwag subukang hulihin, saktan, o patayin ang hayop at sa halip, tumawag kaagad sa CVO (8689-4514) o ipaalam sa kani-kanilang barangay.
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), ang mga reticulated python ay katutubong sa mga rainforest ng Southeast Asia kabilang ang Pilipinas at naninirahan sa mga rain forest, kakahuyan, damuhan, ilog at kalapit na sapa, at lawa. RNT