Home ENTERTAINMENT SB19, BINI, Skusta, et al, magsasama sa isang concert!

SB19, BINI, Skusta, et al, magsasama sa isang concert!

Screenshot

anila, Philippines- Buhay na buhay na naman ang concert scene sa Pinas sa pagsasama ng mga sikat na performers gaya ng kontrobersiyal na SB19, BINI, Skusta Clee, Flow G, KAIA, at Sunkissed Lola

Ito ay magaganap sa Philippine Arena sa Hulyo 5, 2025.

This is made possible by Puregold kung saan pinagsama nila ang talentong pinoy kaugnay ng pangako nitong kumonekta sa kabataang Pilipino, sa mga nagmamahal sa musika, at mga araw-araw na nangangarap at nakikita ang musika bilang ritmo ng buhay.

Dubbed as Nasa Atin Ang Panalo, this time ay mas pinalaki ito at pinabongga.

This time, isinama ng Puregold ang tatlo sa mga pinakamaingay na pangalan sa lokal na industriya ng musika—ang G22, si Skusta, at KAIA—handog ang kanilang tinig, pagsusumikap at lakas, at ang kanilang kuwentong panalo.

Ang G22 ay kilala bilang alpha females ng P-Pop kasama ang mga members na sina AJ, Alfea, at Jaz.

Inilabas nga ng G22’s ang music video na kolaborasyon nito kasama ang Puregold, ang “Pagpili,” at mabilis itong nakalikom ng higit tatlong milyong view sa loob lamang ng dalawang linggo.

Ang makapangyarihang mensahe ng kanta ay paalala sa lahat na pumili nang buong tapang at ipagmalaki ang pinili.

Samantala, naglabas naman ng kantang “Sari-Saring Kwento” si Skusta, kasama ang talentadong rapper din na si Flow G.

Tampok sa kanta ang matatalas na mga linya at mensaheng paniguradong tatama sa mga Pilipinong tagapakinig.

“Nagbago na rin ang Nasa Atin Ang Panalo at nagkaroon ng mas malaking kahulugan higit sa isang kampanya—isa itong pagdiriwang ng mga pangarap at talento ng mga Pilipino,” ani Ivy Hayagan-Piedad, Senior Marketing Manager ng Puregold.

“Sa pamamagitan nito, umaasa kaming maibibida ang mga artistang Pinoy at mahikayat ang mga miyembro at tumatangkilik ng Puregold na mangarap pa habang nakikita ang musikang panalo sa entablado.”

For sure, all road will lead to Philippine Arena sa July 5 para sa binansagang OPMCON 2025.

Sa May 16 at 17 ay ilalabas na ang initial tickets sa Tindahan ni Aling Puring Sari-Sari Store Convention sa World Trade Center sa Pasay City. JP Ignacio