Home OPINION ‘SBDP’ LANG NG NTF-ELCAC ANG ‘CORRUPTION FREE’

‘SBDP’ LANG NG NTF-ELCAC ANG ‘CORRUPTION FREE’

358
0

AYAW pa ring tumigil sa pag-iingay ang mga prenteng organisasyon ng Communist Party of the Philippines-New People’s Party-National Democratic Front upang maalisan ng pondo ang ‘Special Barangay Development Program’ ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict.

Gamit ang isyu ng talamak na korapsyon sa gobyerno, gustong ipilit ng mga grupong ito, katulad ng Kabataan Partylist, na “pork barrel’ ng mga opisyal ng task force ang SBDP kaya dapat lang itong tanggalin.

‘Yun nga lang, hindi “dumidikit” ang bintang na ito. Dangan kasi, ang SBDP lang ng NTF-ELCAC ang ‘corruption free’ pagdating sa implementasyon. ‘Wa epek kasi dito ang “impluwensiya” ng mga pulitiko at mismong ‘beneficiaries’ ang aktwal na nagbabantay sa mga proyekto.

Ang SBDP ang isa sa mga dahilan kung bakit wala nang “mabilog” ang mga ‘SYP’ (Sandatahang Yunit Propaganda) ng CPP-NPA sa mga liblib at malalayong lugar ng ating bansa.

Dahil sa SBDP hindi na naniniwala ang mga dating “balwarte” ng mga terorista na walang pakialam sa kanila ang gobyerno.

At marahil din, dapat magtanong ang mga kawawang estudyante at mga “tibak” na biktima ng mga panlilinlang ng CPP-NPA-NDF, kung ano naman ang ginagawa ng kanilang mga “bosing” sa Kongreso at ngayon ay kaalyado ng gobyerno?

Hindi ba nila naisip na “inaabuso” lang ng kanilang mga amo ang kanilang ideyalismo?

At kung talagang “anti-imperyalista” sila, bakit sa mga patawag din mga ‘foreign embassies’ ‘andun ang kanilang mga kasama at bakit napopondohan ng mga dayuhan ang kanilang mga organisasyon?

“Ibagsak ang Imperyalismo” ang sigaw pero kwidaw, “nakasahod” naman ang mga kamay, hi! Hi! Hi!

Para sa 2026, higit P8 bilyon—napakaliit na halaga kumpara sa mga nadambong ng mga korap—ang hinihingi ng NTF-ELCAC para sa SBDP upang makatulong sa may 800 mahihirap na komunidad sa buong bansa.

Sa harap ng mga nabubulgar na garapalang pagnanakaw sa pondo ng ilang mga mambabatas, harinawang tubuan naman na konsensya ang Kongreso at huwag na itong pakialaman pa.

Sabi nga ni Pangulong BBM: “Mahiya naman kayo!”

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here