Home HOME BANNER STORY SC, nakakuha ng exemption sa coding para sa mga kukuha ng Bar...

SC, nakakuha ng exemption sa coding para sa mga kukuha ng Bar Exam sa Set. 9

12
0

MANILA, Philippines – Nakakuha ang Korte Suprema ng exemption mula sa number coding scheme para sa mga kukuha ng 2026 Bar Examinations sa Metro Manila.

Ito ay matapos maglabas ng memorandum ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para masigurong makarating nang walang aberya ang mga examinees sa kanilang testing venues.

Sakop ng exemption ang biyahe papunta at pabalik ng mga examinee sa mga local testing centers (LTCs) sa Quezon City, Manila, Makati, Pasay, Taguig, at Muntinlupa.

Exempted ang mga examinees sa scheme sa Setyembre 9, 2026 — ang ikalawang araw ng pagsusulit.

Kinakailangan lamang  nilang maglagay ng malinaw na kopya ng kanilang Notice of Admission sa windshield ng sasakyan para maka-avail ng exemption. Ganoon din kung sila ay mahuli sa pamamagitan ng contactless apprehension.

Isang sasakyan lamang ang maaaring irehistro ng bawat examinee, at hindi na tatanggapin ang anumang pagpapalit o pagbabago matapos nito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here