Home HOME BANNER STORY SC: Same-sex couples, pwedeng co-owners ng ari-arian

SC: Same-sex couples, pwedeng co-owners ng ari-arian

183
0

MANILA, Philippines – Pinayagan ng Korte Suprema na kilalanin ang mga same-sex couple bilang co-owners ng ari-arian na kanilang binili habang magkasama basta may ebidensya ng aktwal na kontribusyon.

Ayon sa Article 148 ng Family Code ang mga ari-arian na nakuha sa pamamagitan ng aktwal na kontribusyon ay pinapalagay na magkasanib na pag-aari.

Sa desisyon sa Gr No.267469 kinikilala ng SC ang Co-owners Hip vase sa dokumentong nagpapatunay ng kontribusyon.

Binanggit ng SC na kailangang tugunan ng Kongreso ang mga karapatan ng same-sex couples dahil walang batas na kumikilala sa same-sex marraige.

Sa mga tanong na politikal, moral at kultural na nakapalibot sa isyu ng mga karapatan ng same-sex couples ang mga sangay ng politika, partikular ang Kongreso ay kailangang makibahagi sa paghahanap ng solusyon.

Sa kanyang opinyon sinabi ni Senior Associate Justice Marvic M.V.F. Leonen na ang Article 148 ng Family Code ay hindi nagtatangi batay sa kasarian at naangkop sa lahat ng uri ng cohabitation.

Idiniin niya na ang same-sex relationship ay isang normal na relasyon na dapat saklaw ng Article 148. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here