Home METRO School shooting threat sa iskul sa Lapu-Lapu City, naitala

School shooting threat sa iskul sa Lapu-Lapu City, naitala

1
0

CEBU – Nabahala ang mga magulang at residente sa Olango Island sa Lapu-Lapu City, Cebu matapos kumalat nitong Lunes ng umaga ang isang umano’y school shooting threat sa social media.

Ang post, na ginawa ng isang indibidwal gamit ang username na “Leonido Inoc,” ay tila tumutukoy sa Nemesio-Epifania Taneo Memorial High School sa Barangay Tingo. Binanggit din nito ang naganap na pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City noong Hunyo, kung saan tatlong estudyante ang nasawi.

Sa naturang post, nagpahayag ng galit ang user kaugnay ng umano’y pambu-bully sa kaniyang kapatid, dahilan upang mabahala ang ilang magulang sa kaligtasan ng mga estudyante at school personnel.

Ilang residente rin ang nagbahagi ng mensahe online at nanawagan sa mga awtoridad na agad umaksyon upang matiyak ang seguridad ng school community.

Muling nagpaigting ang insidente ng pangamba sa school safety at sa pangangailangang mabilis na tugunan ng mga awtoridad ang anumang naiulat na banta. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here