Home NATIONWIDE Search and rescue ops sa mga nawawalang PCG personnel, ipinagpatuloy

Search and rescue ops sa mga nawawalang PCG personnel, ipinagpatuloy

MANILA, Philippines – Ipinagpatuloy na ng Philippine Coast Guard Aviation Force nitong Biyernes, Agosto 4, ang search and rescue mission para sa nawawalang apat na kasamahang rescuer nito sa Cagayan.

Sa pahayag, sinabi ng Coast Guard Aviation Force (CGAF) na ginagamit nila ang CGH-1451 sa kanilang search and rescue (SAR) mission.

Ayon sa PCG, noon pang Hulyo 26 nawawala ang mga rescuer sa Cagayan River kasabay ng kanilang pag-asiste sa kapitan ng MTUG Iroquois, na dumanas ng heart attack sa kasagsagan ng Super Typhoon Egay.

Noong Hulyo 30, narekober ang aluminum boat na gamit nila sa dagat na sakop ng Barangay Fuga, Aparri, Cagayan. RNT/JGC