MANILA, Philippines – Naglatag na ng seguridad ang Philippine National Police (PNP) para sa tatlong araw na 2026 Bar examinations na gaganapin sa Setyembre 6, 9 at 13 sa iba’t ibang testing centers sa bansa.
Ayon sa PNP, sapat na bilang ng mga pulis at iba pang resources ang ide-deploy upang mapanatili ang peace and order sa paligid ng mga examination sites.
May kabuuang 15 testing centers ngayong taon — pito sa Metro Manila, tatlo sa iba pang bahagi ng Luzon, tatlo sa Visayas at dalawa sa Mindanao.
Sinabi ni PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. na makikipag-ugnayan din ang kapulisan sa mga lokal na pamahalaan upang matugunan ang posibleng epekto sa trapiko at road movement sa mga lugar malapit sa testing centers.
Kasama sa babantayan ng PNP ang kaligtasan hindi lamang ng mga examinee kundi maging ng kanilang mga magulang at law students na magsasagawa ng bar operations sa paligid ng mga testing sites.
Wala pa umanong namomonitor na partikular na banta kaugnay ng Bar examinations, ngunit sinabi ng PNP na magpapatuloy ang coordination at police visibility sa mga pangunahing lugar hanggang matapos ang pagsusulit. RNT