Home METRO Seguridad sa mga lugar ng pagsamba, pinaigting ng QCPD

Seguridad sa mga lugar ng pagsamba, pinaigting ng QCPD

1
0

QUEZON CITY, Philippines – Pinaigting ng Quezon City Police District (QCPD), sa pamumuno ni Acting District Director PBGEN Christopher Olazo, ang seguridad sa mga lugar ng pagsamba sa lungsod sa ilalim ng Oplan Bathala mula Setyembre 18 hanggang 24, 2026.

Nagtalaga ang QCPD ng 174 pulis sa 73 lugar ng pagsamba na dinaluhan ng humigit-kumulang 4,700 katao. Namahagi rin ang mga pulis ng 202 flyers at nagsagawa ng 72 aktibidad upang mapataas ang kamalayan ng publiko, mapalakas ang ugnayan sa komunidad at mapanatili ang ligtas na kapaligiran para sa mga mananampalataya.

“Patuloy naming palalakasin ang presensya ng pulisya sa mga lugar ng pagsamba at mananatiling handang tumugon sa anumang usapin sa seguridad. Ang aming layunin ay tiyaking naipapahayag ng bawat QCitizen ang kanilang pananampalataya nang ligtas at payapa,” pahayag ni PBGEN Olazo. SANTI CELARIO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here