Home METRO Sekyu binaril sa loob ng eskuwelahan sa Cavite

Sekyu binaril sa loob ng eskuwelahan sa Cavite

234
0

CAVITE, Philippines – Sugatan ng isang security guard, makaraang barilin ng isang lalaking suspek na sakay ng isang sasakyan sa loob ng guardhouse ng isang eskuwelahan sa Rosario, Cavite kamakalawa ng gabi.

Ayon sa report, ginagamot ngayon si alyas Rener habang kinilala ang suspek na si alyas Romeo.

Batay sa ulat, bandang alas-10:40 kamakalawa ng gabi nang naganap ang insidente sa isang guardhouse loob ng Rosario Institute sa Brgy Sapa 1, Rosario, Cavite.

Sa salaysay ng isang saksi, magpapahinga na sana ang biktima nang dumating ang suspek at sinabihan na buksan nito ang gate at kung hindi ay madadamay ito.

Kasunod nito ay pumasok ang suspek at dumiretso sa isa pang guardhouse kung saan nandoon ang biktima hanggang sa nakarinig ng sunod-sunod na putok.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek sakay ng isang kulay itim na Mitsubishi Mirage.

Sa imbestigasyon, nakainum umano ang suspek nang dumating sa lugar at may nauna na umanong alitan ang dalawa bago naganap ang insidente. MARGIE BAUTISTA 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here