Home HOME BANNER STORY Selebrasyon ng Araw ng Kalayaan sa Maynila, mapayapa

Selebrasyon ng Araw ng Kalayaan sa Maynila, mapayapa

MANILA, Philippines – Maagang sinimulan ang selebrasyon ng Ika-126th anibersaryo ng Araw ng Kalayaan sa Pilipinas na sabayang ipinagdiriwang sa ibat-ibang panig ng bansa.

Sa Maynila, pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nationwide commemoration sa ginanap na flag raising at wreath-laying ceremony sa Rizal Park Monument sa lungsod ng Maynila ngayong Hunyo 12.

Taglay ang tema, ‘Kalayaan. Kinabukasan. Kasaysayan.’, ang kaganapan sa taong ito ay sumasaklaw sa bagong tradisyon ng Bagong Pilipinas sa paggunita sa kalayaan ng bansa.

Napakarami ring aktibidad at nakakaaliw na kaganapan ang inihanda sa Quirino Grandstand na nagpapakita ng pagdiriwang ng pamana at pagiging makabayan ng mga Pilipino.

Napanatili namang maayos at payapa ang buong pagdiriwang sa Rizal Park dahil aabot sa 1600 kapulisan ang ipinakalat ng Manila Police District (MPD) at National Capital Regional Office (NCRPO) para magbantay sa buong paligid ng Quirino Grandstand.

Dumalo rin sa pagdiriwang ang mga opisyal mula sa ibat-ibang ahensya ng gobyerno, mga kinatawan ng ibat-ibang bansa gayundin si Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan at iba pa. Jocelyn Tabangcura-Domenden