Home NATIONWIDE Selebrasyon ng Pope’s Day pangungunahan ng 2 top prelate

Selebrasyon ng Pope’s Day pangungunahan ng 2 top prelate

MANILA, Philippines – Pangungunahan ng dalawang mataas na alagad ng Simbahan sa bansa ang selebrasyon ng Pope’s Day sa Manila Cathedral sa Intramuros, Maynila sa Hunyo 29.

“The Solemn Eucharistic Celebration is to be presided by His Excellency Most Reverend Charles John Brown, Apostolic Nuncio to the Philippines, and His Eminence Jose Cardinal Advincula, Archbishop of Manila,” sinabi ng Manila Cathedral sa social media post ngayong Lunes, Hunyo 24.

Hinimok naman ng cathedral ang mga mananampalataya na makiisa sa Misa na idaraos alas-6 ng hapon.

Ang Pope’s Day ay taunang ipinagdiriwang tuwing Kapistahan ng St. Peter at St. Paul.

Ang okasyon ay ang Catholic Church’s foundational feast, bilang parangal sa mga apostol na ito ay itinuturing na dalawang haligi ng unang Simbahan. Jocelyn Tabangcura-Domenden