Home HOME BANNER STORY Huling drug case ni De Lima, ibinasura

Huling drug case ni De Lima, ibinasura

MANILA, Philippines – Matapos ang pitong taon ay abswelto na si dating Senador Leila de Lima mula sa lahat ng kanyang drug cases na inihain laban sa kanya.

Ito ay matapos na ibasura ng Muntinlupa court nitong Lunes, Hunyo 24 ang ikatlo at huling drug case laban sa kanya.

“Demurer is granted,” ayon sa legal counsel ni De Lima na si Atty. Boni Tacardon.

Inihain ni De Lima ang kanyang demurrer noong Marso kung saan hiniling niya sa korte na absweltuhin siya at ideklarang hindi guilty dahil sa pagkabigo ng prosekusyon na patunayan na siya ay ‘guilty beyond reasonable doubt.’ RNT/JGC