Home NATIONWIDE Self-Reliant Defense Posture Revitalization Act tinintahan ni PBBM

Self-Reliant Defense Posture Revitalization Act tinintahan ni PBBM

168
0

MANILA, Philippines- Nilagdaan muna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong araw ng Martes ang Self-Reliant Defense Posture (SRDP) Revitalization Act bago tumulak patungong Vientiane, Lao PDR para dumalo sa 44th at 45th ASEAN Summits and Related Summits sa nasabing bansa.

Layon ng batas ang i-develop at ayusin ang defense industry ng bansa at ang kakayahan nito na lokal na makagawa ng “advanced military weaponry at equipment.”

Sa ulat, niratipikahan ng Senado ang Bicameral Conference Committee report para sa Senate Bill 2455 at Hosue Bill 9713 o ang Self-Reliant Defense Posture Revitalization Bill.

Layon ng panukalang ito na buhayin muli ang self-reliant defense posture (SRDP) program na naipatupad sa Pilipinas noong 1970s at gawing gawang Pinoy, gawang Pinas at sariling atin ang mga sandata, sasakyan at iba pang mga kagamitan ng ating mga sundalo, pulis at mga tagapagpatupad ng batas.

Maliban pa sa pagtugon sa pangangailangan ng ating Sandatahang Lakas at Tanggulang Pambansa, inaasahan ring makapagbibigay ito ng trabaho sa mga Pilipino.Nauna nang niratipikahan ng Kongreso ang House of Representatives Bill 9713 o ang panukalang SRDP Act na ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ay kailangan ng bansa ng isang matatag na programang pandepensa at industriya upang magkaroon ng sariling pagawaan ng mga armas ang bansa at hindi na kailangang umasa pa sa ibang bansa.

Sa ilalim ng batas inatasan ng Department of National Defense na bumalangkas at magpatupad ng Self-Reliant Defense Posture Program “to revitalize the defense industry and address the short, medium, and long-term needs for defense equipment in the country.” Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here