Home NATIONWIDE Sen. Alan Cayetano haharapin ni Sen. Binay sa conciliation meeting

Sen. Alan Cayetano haharapin ni Sen. Binay sa conciliation meeting

134
0

MANILA, Philippines- Tila humupa na ang init ng ulo ni Senador Nancy Binay kay Senador Alan Peter Cayetano matapos ihayag na nakahanda siyang makipagharap sa huli sa conciliation meeting na itinakda ng Senate ethics and privileges committee.

Sa panayam, sinabi ni Binay na “wiling” siyang harapin si Cayetano sa conciliation meeting bilang bahagi ng bagong procedures ng komite

“If a conciliation meeting is part of the process to officially tackle the ethics case that I filed against Senator Cayetano, then I am willing to submit to the new rules adopted by the committee. Kung iyon ang kailangan unahin bilang bahagi ng proseso, susunod po tayo,” ayon kay Binay.

Idinagdag niya na hindi nito isinasara ang pintuan upang makipagbati kay Cayetano.

“Sa usapin ng pag-aayos, sino ba naman ako para magsara ng pintuan? Likas po sa pagiging Kristiyano ang maging mapagpatawad. For the Lord is a compassionate God, but He is also a God of justice,” giit niya.

Nitong Huwebes, inilarawan ni Cayetano ang planong conciliation process sa pagitan niya at ni Binay bilang “good idea,” pero tiniyak nitong itutuloy ang rebyu sa gastusin ng gusali,

Naunang inilutang ang reconciliation process sa pagitan nina Binay at Cayetano ni Senate President Francis “Chiz” Escudero.

Naghain ng ethics complaint ni Binay laban kay Cayetano hinggil sa sinasabi ntiong “unparliamentary conduct” sa ginagawang pagdinig ng gastusin sa New Senate Building (NSB).

Inlunsad ni Cayetano ang rebyu alinsunod sa kautusan ni Escudero matapos pumalo ss P23 bilyon ang kasalukuyang halaga ng gusali. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here