MAHIRAP basahin si Sen. Chiz Escudero. Noong Senate President siya ay halos murahin na siya ng mga pro-impeachment dahil sa kanyang paninindigan kung ano ibig sabihin ng ” forthwith”.
Kinatigan ng Korte Suprema ang kanyang posisyon. Ngayon naman ang mga anti-impeachment forces ay binansagan siyang “HUDAS” at taksil dahil sa kanyang pagsama sa grupo ni Senator Sherwin Gatchalian.
May mga nagsasabi na ‘pressured’ si Sen. Escudero ng Malacan̈ang kayat kumabilang bakod siya para maiwasan ang demandang plunder at ayaw siyempre niyang makulong tulad ni Sen. Jinggoy Estrada.
Malalaman ang katotohanan kung hind inga siya idedemanda ng plunder ng Ombudsman.
Pero alam ba natin ang magiging boto ni Sen. Chiz sa impeachment ni Vice President Sara Duterte? Hindi kaya sumama lang siya sa kabila para maiwasang humimas ng rehas pero sa huli ay ‘acquittal’ pala ang hatol niya?
Sabi ng iba Chiz is for Chiz at wala ng iba pa.
Humihingi siya ng pang-unawa nang nag-ober the bakod siya. Bagay na hindi niya ginawa noong pinanindigan niya ang “forthwith” definition niya.
Ano nga kaya ang boto ni Sen. Escudero sa impeachment ni VP Sara? SAY CHIZ
Korte Suprema, Pasok!
ANG usapin ng quorum sa Senado ay mahalagang idulog na sa Korte Suprema dahil siguradong magiging isyu ito sa impeachment case ni VP Sara.
Two thirds of ALL MEMBERS of the SENATE o 16 VOTES ang kailangan para ma-convict ang Bise Presidente.
Sa ngayon kahit isama pa si Sen. Escudero sa maaaring bumoto ay kulang pa rin ng 4 na boto.
Pero kung iuugnay natin ang deklarasyon ni Sen. Tito Sotto na 22 na lang ang bilang sa Senado dahil nakakulong si Sen. Jinggoy Estrada at wala si Sen. Bato dela Rosa. At kung may mapakukulong pang iba ay pilipit at pipilitin ng mga anti- Duterte forces na ang two thirds ay hindi na 16 votes kung hindi mas mababa dahil hindi na 24 senators ang basehan
Delikado ito. Hindi lang “bending the law” ito kung hindi bending the Constitution.
At kahit iba’t-iba ang legal opinion ng mga abogado at politiko ang mananaig ay ang interpretasyon ng Korte Suprema.
Ang hatol ng Korte Suprema ay hindi lang hatol sa quorum sa Senado kung hindi hatol sa kasaysayan.






