MANILA, Philippines – Layon ng Senate Committee on Social Justice, Welfare and Rural Development na gawing mas accessible at simple ang pamamahagi ng tulong ng gobyerno sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program ng DSWD.
Ayon kay Sen. Erwin Tulfo, chairman ng social justice panel, babawasan ang requirements sa dalawa lamang—valid ID at hospital bill para sa medical assistance.
“We will ensure that unnecessary requirements, such as barangay indigency forms and marriage contracts, are removed,” ani Tulfo.
Paliwanag niya, ang pagpapadali ng proseso ay makakaiwas sa political intervention, dahil sa kasalukuyan, kailangan pang magpakita ng Certificate of Indigency, Barangay Clearance, notarized affidavit, Social Case Study Report, at minsan marriage certificate, kung nais makakuha ng tulong.
Kung maipapasa ang AICS bill, plano ng DSWD na itaas ang programa bilang bureau upang mapabuti ang staffing at implementasyon. Pinapabilis din ng Senado ang DILG sa pagpapalaganap ng impormasyon na hindi puwedeng makialam ang mga politiko sa pamamahagi ng tulong.
Umatugon ang DILG sa pamamagitan ng Memorandum Circular No. 2026-066, na nag-aatas na walang pangalan o larawan ng opisyal ang ilalagay sa government-funded projects, bilang hakbang laban sa politicking. RNT/MND