MANILA, Philippines – Mariing itinanggi ni Senator Jinggoy Estrada nitong Martes ang alegasyon ng dating Bulacan assistant engineer na si Brice Hernandez na sangkot siya sa iregularidad sa flood control projects.
“I categorically and vehemently deny the claims made by Brice Hernandez. I challenge him. Let us take a lie detector test before the public para malaman ng lahat kung sino ang nagsasabi ng totoo,” ani Estrada.
“Talk is cheap—handa akong patunayan na pawang mga kasinungalingan ang sinasabi nya tungkol sa akin,” dagdag pa niya.
Nauna nang sinabi ni Hernandez sa House Infrastructure Committee na parehong sina Estrada at Senator Joel Villanueva ay nadadawit sa mga kuwestiyonableng flood control projects. RNT