Home HOME BANNER STORY Sen. Marcoleta ipinaaaresto na ng Sandiganbayan

Sen. Marcoleta ipinaaaresto na ng Sandiganbayan

1
0

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ng Sandiganbayan Third Division nitong Lunes ang pag-aresto kay Senator Rodante Marcoleta, dating mambabatas Mike Defensor, at dalawang negosyante kaugnay ng non-bailable plunder case dahil sa umano’y hindi pagdedeklara ng P75 milyong campaign donations.

Dumating si Marcoleta sa Sandiganbayan upang dumalo sana sa pagdinig sa kanyang motion to quash sa kasong plunder. Gayunman, nakakita ang korte ng probable cause upang maglabas ng arrest warrants laban sa kanya at sa tatlo pang co-accused.

Ayon kay Associate Justice Karl Miranda, dadalhin si Marcoleta at ang iba pang respondents sa Quezon City Jail sa Payatas matapos silang maaresto.

Noong Biyernes, naghain ang Office of the Ombudsman ng plunder case laban kay Marcoleta sa Sandiganbayan kaugnay ng umano’y hindi pagdedeklara ng campaign contributions.

Nag-ugat ang kaso sa alegasyong tumanggap si Marcoleta, na noo’y nakaupong kongresista, ng P75 milyong campaign donations mula kay Defensor at sa mga negosyante ngunit hindi umano ito idineklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here