MANILA, Philippines – Dumalo sa pagsisiyasat ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) sa flood control scandal si Senador Mark Villar bilang isang resource person, nitong Martes, Oktubre 7, 2025.
Bago siya mahalal bilang senador noong 2022, si Villar ay naging DPWH Secretary mula 2016 hanggang 2021 sa ilalim ng Duterte administration.
Nauna nang itinanggi ni Villar ang iregularidad sa kanyang panunungkulan sa DPWH, at sinabing inuuna niya ang mga reporma sa ahensya. Aniya, malugod niyang tinatanggap ang pagsisiyasat sa isyu. RNT/MND