MANILA, Philippines – Hiniling sa Korte Suprema ni Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla na resolbahin ang mahalagang isyu sa pag-amyenda sa 1987 Constitution.
Naghain si Padilla ng instant petition na humihingi ng declaratory relief sa Sec. 1 at 3 ng Art. XVII ng Konstitusyon.
Humingi rin si Padilla ng “authoritative declaration” sa Supreme Court hinggil sa usapin Kung ang Senado at Kamara ay dapat mag-“jointly convene” bilang constituent assembly kung tatalakay ng pag-amyenda o pag-rebisa sa Saligang Batas sa ilalim ng Sec. 1(1), Art. XVII nito.
Nais din malaman ng senador na kung voting jointly, ang 3/4 sa ilalim ng Sec. 1(1) ay 3/4 vote ng Senado at 3/4 vote ng Kamara; o 3/4 vote ng 24 senador at lahat ng myembro ng Kamara.
Nais malinawan din ni Padilla kung ang Senado at Kamara ay dapat mag “jointly convene and assemble” kung nagtatawag ng Constitutional Convention;l, Kung voting jointly, ang requirement na 2/3 vote sa ilalim ng Sec. 3, Art. XVII, ay 2/3 vote sa Senado plus 2/3 vote sa Kamara; or 2/3 vote ng 24 senador at miyembro ng Kamara.
Hindi niya aniya magampanan ang tungkulin bilang tagapangulo ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes dahil sa hindi malinaw ang mga nabanggit na probisyon.
Naniniwala si Padilla na ang Korte Suprema ang may kapangyarihan lumutas sa mga Constitutional issues. Teresa Tavares