Home ENTERTAINMENT Sen. Robin, 30 years naghintay kay Gringo!

Sen. Robin, 30 years naghintay kay Gringo!

Manila, Philippines- Yes, aminado ang action star-turned-senator na si Robin Padilla na 30 years niyang hinintay si dating senador Gringo Honasan.

Hindi raw inaasahan ni Robin na mapupunta sa kanya ang papel ng celebrated and bemedalled military officer-turned-politician na si Gringo sa pelikulang GRINGO: The Greg Honasan Story, na mahigit 30 taon umano niyang hinintay.

Kung kelan halos give-up na si Sen. Robin na mapupunta sa kanya ang proyekto ay dumating naman ito sa panahon na hindi na raw niya inaasahan.

As early as 1980s ay gusto nang isapelikula ni Sen. Robin and buhay nito pero hindi pa umano handa ang dating military officer na naging sentro ng coup d’etat nu’ng panahong ni dating pangulong Cory Aquino.

During the announcement of the project, kitang-kita sa kanya ang excitement na sa wakas ay maisasakatuparan na rin ang pagsasapelikula niya ng buhay ni dating Sen. Honasan na kanyang iniidolo.

Ang GRINGO: The Gregorio Honasan Story ay mula sa panulat ng Palanca award-winning writer na si Eric Ramos at magkatulong na direksyon nina Lester Maranan at Abdel Langit under Borracho Films ni Atty. Ferdie Topacio and partners, with executive producer Mike Defensor.

Ang sabi, nasa negotiating table pa raw ang pagkuha kay Sharon Cuneta na planong itambal kay Sen. Robin to play the role of Mrs. Jane Umali-Honasan, ang mabait ngunit matapang na wife ng dating senador.

Shooting commen­ces this July and the movie is intended for the 50th Metro Manila Film Festival. JP Ignacio