MANILA, Philippines – Sinabi ng ilang minority lawmakers sa House of Representatives na maaaring naging “accomplice” ang Senado sa umano’y pag-takas ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa nitong Huwebes, matapos ang kaguluhan sa loob ng Senate.
Sa magkakahiwalay na pahayag, kinondena nina Akbayan Rep. Percival Cendaña, Mamamayang Liberal Rep. Leila de Lima, at mga kinatawan ng Makabayan bloc na sina ACT Teachers Rep. Antonio Tinio, Gabriela Rep. Sarah Elago, at Kabataan Rep. Renee Co ang nangyaring paglabas ni dela Rosa sa gitna ng ulat ng arrest order mula sa International Criminal Court (ICC).
Ayon kay Cendaña, tila ginamit ang “protective custody” ng Senado para makatakas si dela Rosa. Aniya, “The Senate itself is destroying their institution. Instead of surrendering peacefully a person with a warrant of arrest, they used the Senate to evade law enforcement. It is the job of the Senate to do their job, not to violate it.”
Dagdag niya, “This is exactly why Bato should be tried in the ICC. There is no justice within this country for victims of Tokhang. Even the Senate is an accessory to the crime. They are accomplices to the crime.”
Ayon naman kay De Lima, hindi dapat ginagamit ang protective custody para payagan ang pagtakas ng isang may arrest warrant. Aniya, “Protective custody is not to cover up or to let a person with an arrest order escape. It is clear: there are scared people and accomplices who are afraid of accountability.”
Sa joint statement ng Makabayan bloc, tinawag nilang “national embarrassment” ang nangyari at patunay umano ng umiiral na impunity sa bansa.
Si dela Rosa ay nahaharap sa kasong crimes against humanity (mass murder) kaugnay ng drug war ng nakaraang administrasyon, kung saan siya ang unang hepe ng PNP at nagpasimula ng “Oplan Tokhang.”
Kasabay ng insidente, iniulat din ang putukan sa Senado noong Miyerkules ng gabi. Ayon sa ulat ng Malacañang, ang Senate Sergeant-at-Arms ang unang nagpaputok ng warning shot, at gumanti ang isang NBI agent.
Sinabi rin ng ilang opisyal na umalis si dela Rosa sa Senado habang umiinit ang sitwasyon, ngunit nananatiling iniimbestigahan ang eksaktong detalye ng kanyang pagkawala. RNT/MND