Home HOME BANNER STORY Senate majority ‘di na naman nagpakita sa plenaryo

Senate majority ‘di na naman nagpakita sa plenaryo

51
0
Nagpunta na lamang sa lounge ang minority bloc senators matapos hindi lumutang sa session hall ang Majority bloc sa ikalawang araw ng sesyon sa Senado.Nagsimula na ang itinakdang oras ng sesyon sa Senado, ngunit 10 senador pa lamang mula sa hanay ng minorya ang nasa Session hall.Samantala, wala pang dumadalo mula sa majority bloc, kabilang si Senador Alan Peter Cayetano, na nakatakda sanang magsilbing presiding officer ng sesyon. CESAR MORALES

MANILA, Philippines – Hindi na naman nagpakita sa ikalawang sunod na araw sa plenary session ng Senado ang mga miyembro ng mayorya ngayong Martes, Hunyo 2, ayon kay Senador Migz Zubiri.

Nasa 20 minuto na makalipas ang nakatakda sanang pagdinig ng alas-3 ng hapon ay sinabi ni Zubiri na tumawag umano si Senate President Alan Peter Cayetano sa Senate secretary.

“Alan called and said they will no longer be coming,” ani Zubiri.

Kasunod nito ay nagtungo na lamang sa lounge ng Senado ang 11 minority senators para magdaos ng caucus.

Ang bigong pagpapakita ng mayorya ay ikalawang sunod na araw na, matapos ang pag-aresto kay Senador Jinggoy Estrada dahil sa non-bailable na kasong plunder sa maanomalyang flood control project. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here