Home NATIONWIDE Senate probe ikinasa ni Hontiveros vs ‘violent eviction’ sa Angeles

Senate probe ikinasa ni Hontiveros vs ‘violent eviction’ sa Angeles

Larawan kuha ni Cesar Morales

Naghain ng isang resolusyon si Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros upang paiimbestigahan ang implementasyon ng agrarian reform laws kasunod ng biyolenteng pagpapa-alis ng mamamayan na may hawak na Certificate of Land Ownership Award (CLOA) sa Sitio Balubad, Barangay Anunas, Angeles City.

Sa pahayag, sianbi ni Hontiveros na layunin ng Senate Resolution No. 979 na ipinananawagan sa kinauukulang komite ng Senado na iimbestigahan ang insidente upang makalikha ng panibagong batas hinggil sa implementasyon ng batas sa agraryo at maiwasan ang mararahas na pagpapatalsik sa nabigyan ng lupa.

“This violence against our farmers is a clear betrayal of the promise of agrarian reform. Kailangang protektahan ang karapatan ng mga benepisyaryo ng agrarian reform at alamin kung bakit patuloy na nangyayari ang ganitong mga karahasan,” ayon kay Hontiveros.

Nitong Marso 12, 2024, puwersahang pinaalis ng Clarkhills Properties Corporation ang mahigit 2,000 residents mula sa pinagtatalunang lupain sa Sitio Balubad. Tumindi ang tensiyon na nagresulta sa marahas na komprontasyon na ikinasugat ng walong katao kabilang nang ilang matatandang kababihan.

Iniulat ng ilang saksi na namaril ang security guards sa hanay ng residente kabilang ang mga journalist na komokober sa insidente. May naunang pagtatangkang pagpapatalsik noong Pebrero na nagresulta din ng karahasan.

Nakuha ng residente bilang Agrarian Reform Beneficiaries (ARBs), ang kanilang CLOAs mula sa Department of Agrarian Reform (DAR). Pero, kinansela ang CLOAs Department of Agrarian Reform Adjudication Board (DARAB) dahil itinuring na residential ang lupain at hindi agrikultural.

“Alyansa ng Mga Maka-Maralitang Asosasyon ng Kapatirang Organisasyon, Inc. (AMAKO) and its successors, including Clarkhills, sought recovery of possession before the PARAD and writs of execution and demolition were issued against CLOA-holders and other occupants. Despite the cancellation, residents continued to pay amortizations for the land,” ayon kay Hontiveros.

Nakatakda sa resolusyonL: “The cancelation of the residents’ CLOAS and subsequent attempts to evict them from their homes appear to be contrary to the primary objective of the country’s agrarian reform program, which is to uphold the welfare of the landless farmers and farmworkers, promote social justice, and establish owner cultivatorship of economic-size farms as the basis of Philippine agriculture.”

Kinuwestiyon ng residente ang patuloy na pag-iiral ng DARAB of jurisdiction sa pinagtatalunang lupain kahit naideklara na itong residential at hindi agricultural, na exempted sa CARP coverage.

“Ginawaran ng lupa ang mga pamilyang ito, pero brutal namang kinukuha sa kanila. This reveals a system that is broken and demands urgent reform. Dapat nating matukoy ang mga puwang sa batas at polisiya upang maiwasan ang mga ganitong kawalan ng hustisya,” ayon sa senador.

Hiniling din ni Hontiveros sa kinauukulang ahensiya ng pamahalaan na maghatid ng agarang serbisyong panglinpunan sa apektadong residente partikular ang ilang senior citizens at kabataan.

Umaasa si Hontiveros na didinggin ng kinauukulang komite ang kanyang Resolution sa pagbubukas ng sesyon ng Senado. Ernie Reyes