Home METRO Senglot todas sa sekyu

Senglot todas sa sekyu

1
0

BULACAN, Philippines – Patay ang isang lalaki na umano’y nasa impluwensya ng alak nang barilin ng security guard sa lungsod ng Meycauayan nitong madaling araw Hulyo 26.

Sa ulat ni PLTCOL Melvin Florida Jr, hepe ng Meycauayan police station, kinilala ang biktima na si alyas “Boy”, Forklift operator.

Ayon sa ulat, naganap ang insidente bandang 12:30 ng madaling araw sa loob ng isang gusali sa Phoenix road, Brgy. Iba.

Nabatid na tinangkang pumasok ng biktima na umanoy nasa impluwensya ng alak na mahigpit na ipinagababawal ng kumpanya kaya pinigilan ito ng guwardiya.

Dahil dito, nagkaroon ng mainitang komprontasyon hanggang sa bumunot ng patalim ang biktima at inatake ang guwardiya.

Sa kasagsagan ng kanilang pag-aagawan ay bigla na lamang umalingawngaw ang isang putok ng baril na tumama na pala sa biktima.

Nang humupa ang tensyon ay agad dinala ang duguang biktima sa kalapit na ospital para sa paunang lunas subalit idineklara itong dead on arrival ng attending physician.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang lahat ng detalye at pangyayari.

Nasa kustodiya na ng istasyon ang guwardiya habang inihahanda ang legal na hakbang batay sa resulta ng imbestigasyon. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here