Home METRO Senior pinagtataga ng sariling anak, tigok

Senior pinagtataga ng sariling anak, tigok

208
0

MANILA, Philippines – Isang 60-anyos na senior citizen na si alyas Roger ang idineklara nang dead on arrival sa pinakamalapit na pagamutan matapos pagtatagain ng kanyang anak na lalaki na lasing, sa Sitio Libirin Gamay, Barangay Tala, San Andres, Quezon.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng San Andres Municipal Police Station, nangyari ang insidente bandang alas-6:30 ng gabi matapos magtalo ang mag-ama sa hindi pa matukoy na dahilan. Ang suspek na si alyas Allan, 37 anyos, ay mabilis na tumakas at patuloy na hinahanap ng mga awtoridad.

Ang biktima ay nagtamo ng malalalim na sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay. Kasalukuyang nahaharap si Allan sa kasong parricide. Ellen Apostol

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here