Home METRO Senior, teachers benefits tinaasan; mga estudyante tuloy sa pag-aaral, exam kahit may...

Senior, teachers benefits tinaasan; mga estudyante tuloy sa pag-aaral, exam kahit may utang

MANILA, Philippines – Muling napaibig ni reelectionist Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. ang mga mamamayan sa mga Lunsod ng Parañaque, Las Piñas, Pasay at Maynila sa muling pagdaraos ng motorcade ng Senador na may Aksyon sa Tunay na Buhay.

Sa pag-uumpisa ng motorcade, pinaunlakan ni Senador Bong ang biglaang panayam sa kanya ng mga mamahayag sa katuwaan at pagbubunyi ng mga taong naghihintay at nag-aabang sa motorcade.

Ayon sa reelectionist Senator, abot kamay na ang katuparan sa pagbibigay benepisyo sa mga senior citizens mula sa 80 years old pataas.

Nasa mesa na umano ng Pangulo Ferdinand “Bongbong” Marcos ang mga papeles na lalagdaan upang opisyal na maging batas Ang pagkakaloob ng benepisyo sa senior citizens.

Nilinaw ni Senador Bong na sa ilalim ng nasabing batas ay pagkakalooban ng P10,000 bawat 80 anyos, 85 anyos, 90 anyos at 95 anyos, maliban pa sa P100,000. na ipinagkakaloob sa 100 taon ang gulang na senior citizens.

Sa mga senior citizens sa pagitan ng 60 anyos at 80 anyos may bukod ding ibinigay na benepisyo ang Universal Pension law ni Senador Bong Revilla Jr na magiging buwan-buwan ang release.

Sa pagtatapos ng panayam, tiniyak ni Senador Bong Revilla Jr na maging ang mga teachers ay iginawa niya ng batas na makaaalalay sa kanilang pagtuturo gaya ng chalk allowance na mula sa P5,000 ay ginawa nang P10,000.

“Every year po ay P10,000 yang chalk allowance mula po sa dating P5,000 , at gagawin po natin ang pag-aadjust sa mga susunod na taon base sa pangangailangan. Sa mga estudyante naman bawal na po na yung hindi sila pakuhanin ng exam kung may utang. Pwede na po silang mag exam kahit may utang pa”, sabi ng Senador

“Dati may mga nagrarally pa sa harap ng Senado para sa benepisyo. Don’t worry po dahil sinisikap naming maibigay at matugunan ang inyong mga pangangailangan. Bilyon po ang aabutin pero it’s doable, sabi pa ni reelectionist Senator Ramon ‘Bong’Revilla Jr. Dave Baluyot