Manila, Philippines – Isang hit noon ang pelikulang “Four Sisters and A Wedding” na pinagsamahan nina Bea Alonzo, Toni Gonzaga, Shaina Magdayao at Angel Locsin kung saan gumanap silang magkakapatid.
Mula nang pumatok ang nasabing movie sa takilya, marami na ring nagbago sa personal na buhay ng mga bida.
Sa ngayon, puro may asawa na sina Angel, Toni at Bea maliban kay Shaina.
Dahil dito, inuurot ng mga mahadera si Shaina kung kailan ito pakakasal nang mapag-usapan sa umpukan ng mga tsismosang kapitbahay.
“Siya na lamang ang natitirang single.”
“Lagi siyang inili-link kay Piolo.”
“Parang tatanda siyang single tulad ni Papa P.”
“Sayang, magaling pa naman.”
“She’s a good actress but sadly she never had the momentum.”
“Kailan kaya siya pakakasal?”
“Para namang wala nali-link sa kanya currently.”
“Malay mo meron. Private lang si ate.”
“Nanghihinayang ako kasi maganda at talented naman siya.”
“Di ko parin makalimutan yung isyu nila ni JLC. “
“Whatever they say, Shaina is ABS-CBN’s gem. She may not have the love team appeal and kasikatan like the others but she’s been working since magkaisip ako and she’s one of the best actors there.” Archie Liao