MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan sa Northern Luzon ang shear line at easterlies ngayong Sabado, Oktubre 12.
Ayon sa PAGASA, ang Batanes at Cagayan ay makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa shear line.
Ang Isabela, Aurora, at Quezon naman ay magkakaroon din ng kaparehong lagay ng panahon dahil sa easterlies.
Samantala, ang Bicol Region at nalalabing bahagi ng Cagayan Valley ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa easterlies.
Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorms dahil sa localized thunderstorms. RNT/JGC