Home NATIONWIDE Shear Line, Northeast monsoon magpapaulan sa Luzon

Shear Line, Northeast monsoon magpapaulan sa Luzon

MANILA, Philippines – Makaaapekto ang Shear Line sa silangang bahagi ng Southern Luzon at Visayas habang ang Northeast Monsoon ay makaaapekto naman sa natitirang bahagi ng Luzon, ayon sa weather forecast ng PAGASA.

Sa pagtataya ng panahon nitong 4 a.m. para sa Linggo, Enero 7, sinabi ng PAGASA na ang Bicol Region, Eastern Visayas, Quezon, Dinagat Islands, Surigao del Norte, at Surigao del Sur ay magkakaroon ng Maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa Easterlies.

Nagbabala ang weather bureau sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa dahil sa katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na pag-ulan.

Ang Metro Manila, Ilocos Region, Cordillera Administrative Region, Cagayan Valley, Central Luzon, at ang natitirang bahagi ng CALABARZON ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mahinang pag-ulan dulot ng Amihan.

Ang nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may pulu-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ng Easterlies

Sumikat ang araw alas-6:23 ng umaga habang ang paglubog ng araw ay inaasahang alas-5:41 ng hapon. RNT