Home ENTERTAINMENT Shoes ni Heart sa PFW, mala-dept store!

Shoes ni Heart sa PFW, mala-dept store!

Manila, Philippines- Former First Lady Imelda Romualdez Marcos, move aside.

Kinabog lang naman ni Heart Evangelista ang dating Unang Ginang sa dami ng sapatos.

Mala-department store ngang bitbit ni Heart ang kanyang mga susuoting sapatos sa Paris Fashion Week.

She’s scheduled kasi to attend about 19 shows there.

Take note, very organized ang pagkaka-arrange ng mga pairs of shoes na ‘yon according to their colors.

Maraming netizens tuloy ang nagtatanong kung ilang maleta ang katumbas ng mga sapatos na ‘yon.

Another thing, puwera pa ang mga pares na ‘yon sa mga gagamitin niya in her next stop–ang Milan Fashion Week.

Hindi pa nga nagsisimula ang PFW ay busy na si Heart.

Dumalo muna siya sa photo shoot for an ad campaign of Lancaster, a high-end luxury brand ng bag.

Si Heart talaga, oo. Namahinga lang sa ‘di niya pagrampa sa New York Fashion Week dahil birthday ng mga stepkids niya kay Senator Chiz Escudero.

Pero she’s swinging back nang walang kapaguran!

Akala ba namin ay mag-i-slow down na raw siya for health reasons?

Charot lang pala ‘yon? Ronnie Carrasco III