Home NATIONWIDE Showcause order kay Opulencia, inilabas ng DPWH

Showcause order kay Opulencia, inilabas ng DPWH

312
0

MANILA, Philippines – Naglabas si DPWH Secretary Vince Dizon ng show-cause order kay Department of Public Works and Highways–National Capital Region (DPWH–NCR) Regional Director Gerard Opulencia dahil sa umano’y iregularidad sa Sunog Apog pumping station flood control project sa Tondo, Maynila.

Ito ay matapos na inspeksyunin ni Dizon, kasama ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) special adviser Baguio City Mayor Benjamin Magalong at Manila Mayor Isko Moreno, ang Sunog Apog pumping station sa Gagalangin, Tondo, noong Setyembre 24.

Aniya, napag-alamang dysfunctional ang P774-milyong proyekto limang taon matapos itong makumpleto.

Base sa show-cause order na inilabas noong Biyernes, binigyang-diin ni Dizon na natuklasan nilang ang Sunog Apog pumping station ay hindi pa umaandar mula noong natapos ito noong 2020 sa kabila na bayad na ang proyekto.

Ayon kay Dizon, kulang ang proyekto sa mga kinakailangang building permit at koneksyon ng kuryente na humadlang sa energization ng Meralco at nagtaas ng mga katanungan sa pagsunod sa regulasyon.

Sa pamamagitan nito, inutusan ng kalihim ng DPWH si Opulencia na isumite sa loob ng limang araw ang kanyang nakasulat na paliwanag sa ilalim ng panunumpa kung bakit walang administrative disciplinary action na dapat gawin laban sa kanya kaugnay sa mga natuklasan sa proyekto. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here