Home METRO Siklista sa Maynila pisak sa trak

Siklista sa Maynila pisak sa trak

MANILA, Philippines – Patay ang isang siklista nang mabangga ng isang truck sa kahabaan ng Padre Burgos Avenue corner Roxas Blvd, sa Ermita, Maynila nitong Martes, Mayo 28.

Dead on the spot ang biktima na kinilalang si Dominico Anocop Polancos Sr., 47, residente sa Port Area, Maynila.

Nasa kustodiya naman ng Manila Traffic Enforcement Unit ang driver ng Isuzu Aluminum High Side na may plaka na REA 252 at minamaneho ni Aristep Pablo y Ramos ,36 anyos at nakatira sa 52 Doctor Ramos San Nicolas Gapan Nueva Ecija.

Sa inisyal na imbestigasyon, parehong pa-kanan ang biktima at si Ramos sa eastbound ng Padre Burgos mula sa northbound lane ng Roxas Blvd.

Sa kanilang pagliko, ang kaliwang bahagi ng gulong ng truck nang tumama ang kanang bahagi ng biktima.

Dahil sa pagkabangga, bumagsak ang siklista sa kalsada at sa kasamaang palad ay nagulongan pa ng kaliwang unahang bahagi ng gulong ng nasabing truck.

Bilang resulta, ang biktima ay nagtamo ng severe injuries na nagresulta ng kanyang agarang kamatayan.

Mahaharap sa kasong Homicide and Damage to Property ang drayber ng truck. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)