Home METRO SILG Remulla duda sa sanhi ng sunog sa DPWH building

SILG Remulla duda sa sanhi ng sunog sa DPWH building

332
0

MANILA, Philippines – Duda si Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla sa ibinigay na paliwanag sa sanhi ng sunog sa opisina ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Quezon City noong Miyerkules ng hapon.

Ayon kay Remulla, bihira mangyari ang sunog sa mga bagong gusali.

Aniya, kung arson ang sanhi ng sunog, itatalaga niya ang Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group sa kaso.

Sinabi ng Bureau of Fire Protection (BFP) nitong Miyerkules ng gabi na ang insidente ay sanhi ng short circuit sa ikatlong palapag ng gusali.

Sa inisyal na ulat mula sa DPWH, nagmula ang insidente sa isang computer unit na umano’y sumabog.

Noong Huwebes ng hapon, kinumpirma ng DPWH na walang mga records at dokumento kaugnay ng mga flood-control projects ang nasira sa sunog. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here