MANILA, Philippines – Walang special treatment ang mga tauhan ng gobyerno na madidiin sa pagkakasangkot sa flood control scandal, sinabi ni Interior Secretary Jonvic Remulla.
Sa kanyang pagbisita sa Pasay City Jail, sinabi ni Remulla na walang inmate ang ilalagay sa opisina ng warden at sinabing lahat ay mananatili sa parehong kuwarto.
Paliwanag ni Remulla, saklaw ng patakarang ito ang mga tauhan ng gobyerno na nasa salary grade 27 o ang kumikita ng P126,252 pababa.
Mahaharap sa paglilitis sa Sandiganbayan ang mga may matataas na salary grade.
Orihinal na itinayo ang Pasay City Jail upang tumanggap lamang ng 100 preso, ngunit ang kasalukuyang populasyon nito ay lumaki hanggang 964.
Ayon pa kay Remulla, inaasahan niyang aabot sa 200 hanggang 250 katao ang kakasuhan kaugnay ng flood cotrol projects.
Ayon kay Remulla, pagkatapos ng mga pagdinig na may kaugnayan sa pagbaha, ang pasilidad ay hahawak ng higit sa isang libong indibidwal. Jocelyn Tabangcura-Domenden