Home HOME BANNER STORY Singil sa kuryente ngayong Hunyo, tataas ulit – Meralco

Singil sa kuryente ngayong Hunyo, tataas ulit – Meralco

MANILA, Philippines – Maaaring tumaas muli ang gastos sa kuryente ngayong Hunyo, ayon sa Meralco.

Sinabi ng tagapagsalita ng Meralco na si Joe Zaldarriaga na magsisimula ngayong buwan ang mahigit P0.10/kwh na pagtaas dahil sa ancillary services.

Bukod dito, sisingilin din ang feed-in tariff na humigit-kumulang P0.05/kwh mula sa mga customer.

At dahil maraming beses na inilagay sa red at yellow alert ang power grids sa huling 2 linggo ng Mayo, maaaring tumaas din ang June rates dahil tumaas ang presyo sa spot market, kung saan nakakakuha ang Meralco ng bahagi ng supply nito.

Tumaas din ang mga singil sa kuryente noong Mayo dahil tumaas ang mga presyo sa wholesale electricity spot market. RNT