Home NATIONWIDE Singkaban Festival ipinagdiwang sa Bulacan

Singkaban Festival ipinagdiwang sa Bulacan

1
0

MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Governor Daniel R. Fernando ang pagsisimula ng Singkaban Festival 2026 sa Malolos City, Bulacan nitong Martes, Setyembre 8, 2026.

Pinagsasama-sama ng naturang pagdiriwang ang mga komunidad sa buong lalawigan para sa isang linggong pagdiriwang ng kultura, pamana, at pagkakaisa.

Ang Singkaban Festival ay itinuturing na “Ina ng lahat ng Piyesta ng Bulacan” at isang taunang pagdiriwang ng sining, kultura, at kasaysayan na ginaganap tuwing Setyembre sa lalawigan ng Bulacan.

Tampok ang Parada ng Karosa at ang mga kalahok sa 3rd Marching Band Competition na magpaparada mula Malolos Sports and Convention Center patungong Capitol Compound. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here