Manila, Philippines – Iba-iba ang naging reaksyon ng ilang showbiz insiders sa blind item tungkol sa isang sikat na female celebrity (FC) at sa kanyang non-showbiz husband (NSH).
Lumabas kasi sa socmed ang tsikang hiwalay na si FC at NSH. Although, it’s an open secret na pala sa circle of friends ng mag-dyowa ang kinahinatnan ng relasyon nila.
Matagal na raw hiwalay si FC at NSH. Naghiwalay daw ang dalawa magmula nang nag-decide si FC na manirahan na sa ibang bansa.
In demand si FC sa abroad kaya okay lang sa kanya na doon na manirahan. While si NSH ay may tsikang nananatili pa rin daw na nakatira sa Pilipinas bandang south.
Mas type daw kasi ni NSH ang buhay sa Pilipinas kesa sa ibang bansa. Bagama’t nabalita noon na businessman sa abroad si NSH kaya marami ang napaniwala na bagay sya kay FC.
Sabi ng source namin, “Tahimik si R kaya walang balita sa new single life nya.”
Tsika pa nya sa amin, marami raw makukuha si NSH kapag naghatian sila ng conjugal properties or baka naghatian na nga.
May business daw dati ito na parang digital production pero wala nang balita ngayon. Baka raw nag-flopchina ung business ni NSH.
Kasi kung bongga ang kita ng business ay mababalitaan natin na dumami ang projects.
Basta lagi daw nagpe-play ng golf si NSH sa kilalang subdivision na malapit sa dating bahay ni FC.
Hindi masagot ng source namin kung may prenup agreement si FC at NSH.
Pero kahit hatian pa ng yaman si NSH ni FC, hindi naman ito malaking kawalan sa sikat na female celeb.
Non-stop lasi ang bayad sa kanya everytime na ginagamit ang kanyang mga art works. And in dollars, huh! Julie Bonifacio