SA naging “huntahan” namin ni Bureau of Customs Investigation and Intelligence Service Director Verne Enciso sa ating programang ‘Paul’s Alarm’ sa Radyo Pilipinas nitong Sabado, “napatawa” na lang siya nang tanungin natin kung meron na bang ‘dial a friend’ sa kanila ni Deputy Commissioner for Intelligence Juvymax Uy dahil sa sunod-sunod nilang pagtimbog sa ‘fuel smugglers’ (“paihi”) ng mga ‘smuggled’ na krudo at gasolina.
Dangan kasi, ngayon lang natin naiisip na hindi “gurami,” bagkus, ‘bigtime operation’ ang fuel smuggling.
Wala itong ipinag-iba sa ‘drug smuggling na kailangan ang malaking organisasyon, malawak na koneksyon at malaking kapitalisasyon.
Sa pagkuwenta ni Enciso, aabot sa higit P700-milyon ang halaga ng 3-tankers na nakumpiska nila sa Navotas nitong Setyembre 18 at sa Batangas nitong Oktubre 16. Aabot naman sa higit P40 milyon ang halaga nung 4-lorry trucks na nahuli rin sa Port of Batangas.
Sa ganito kalaking “puhunan,” hindi ba isang ‘well-oiled criminal syndicate’ lang, katulad ng mga ‘drug lords,’ ang sangkot sa fuel smuggling, mga kabayan?
At dahil nga sa ating “kultura” na mahilig “mang-arbor” basta may salapi at “impluwensiya,” hindi dapat magtaka kung may ‘dial-a-friend’ na sa BOC para “pakawalan” ang mga nasabing tankers at kalaunan ay mabasura ang mga kaso. Eh, “ganun” na lang ba ‘yun, hehehe!
“Patuloy” pa rin daw ang imbestigasyon at dapat lang na kasama dito kung “sino” ang mga talagang nasa likod ng mga sindikatong ito. May ‘congressman’ kaya? O gobernador? Pwede, hehehe!
Hindi kasi malayong ‘fall guys’ lang ang nasampahan ng mga kaso ng BOC sa Department of Justice.
Abangan!






