Home HOME BANNER STORY Sirit-presyo sa langis, nakaumang!

Sirit-presyo sa langis, nakaumang!

165
0

MANILA, Philippines – Inaasahang tataas ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo, ayon sa Department of Energy (DOE) nitong Biyernes.

Batay sa apat na araw na Mean of Platts Singapore (MOPS) trading, tinatayang tataas ng humigit-kumulang P0.95 kada litro ang gasolina, P0.10 ang diesel, at P0.25 ang kerosene.

Ayon kay DOE-Oil Industry Management Bureau (OIMB) assistant director Rodela Romero, ibabatay pa ang pinal na price adjustment sa resulta ng MOPS trading nitong Biyernes at sa pagdaragdag ng operating cost at iba pang premium ng mga oil company.

Ipinaliwanag ni Romero na ang inaasahang pagtaas ng presyo ay dulot ng geopolitical tensions sa Iran, kabilang ang banta ng pagkaantala ng suplay sa Strait of Hormuz at ang kawalan ng katiyakan sa usapin ng Iran nuclear talks. Binanggit din niya ang mga ulat na maaaring harangin ng Estados Unidos ang mga barkong nagdadala ng Iranian crude.

“Together, these factors created a week of cautious but slightly rising crude prices,” ayon kay Romero.

Karaniwang inaanunsyo ng mga oil company ang opisyal na price adjustment tuwing Lunes, na ipinatutupad kinabukasan. Dave Baluyot

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here