Home NATIONWIDE Sitwasyon ng baha sa Metro Manila mas mabuti kaysa dati – MMDA

Sitwasyon ng baha sa Metro Manila mas mabuti kaysa dati – MMDA

1
0
IMG_20260810_061633_006.jpg

MANILA, Philippines – Iniulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Martes, Agosto 11 ang mas mabuting kalagayan ng sitwasyon ng pagbaha sa Metro Manila sa kabila na nakatanggap ang rehiyon ng ulan na katumbas ng isang buwang ulan.

Sa briefing, sinabi ni MMDA Chairperson Romando Artes na dati ay karaniwang nakararanas ng matinding pagbaha ang Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela ngunit ngayon ay may mga iilang insidente na lamang naitala ng pagbaha.

“Maraming lansangan na dati po, kaunting ulan ay malalim at hindi passable tulad ng España [Manila], iyong ating pong Shaw Underpass, iyong Aurora at P. Tuazon underpass ay passable po despite the heavy rains, ” ani Artes.

Itinuro ni Artes ang ganitong pagbabago dahil sa Oplan Kontra Baha initiative, na isang multisectoral campaign na layong linisin at ayusin ang mga baradong daluyan ng tubig at drainage system sa Metro Manila.

Sa kabila nito, batid niya ang paglubog sa baha ng bahagi ng Paranaque City matapos na umapaw ang mga kalapit na creek at ilog.

“Overwhelmed na po siya dahil na rin po siguro iyong aming Tripa de Galina Pumping Station na in-improve po at nilakihan, diyan din po dumadaloy. So hindi po makalabas kaagad iyong tubig na naiipon sa low-lying areaa,” sinabi pa ni Artes.

“Nag-usap na po kami ni Secretary Dizon, ang long-term solution po diyan ay maglagay po ng flood gates at pumping station doon po sa dalawang area, La Huerta and iyon pong isang major river diyan,” pagpapatuloy niya.

Sa kaparehong briefing, sinabi ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration administrator Nathaniel Servando na ang ilang bahagi ng Luzon kabilang ang Metro Manila ay nakaranas ng ‘unprecedented amount’ ng ulan sa nakalipas na mga araw.

Samantala, naitala naman ang pinakamataas na rainfall count mula Agosto 1 hanggang 9 sa Baguio City sa 1,413 millimeters na sobra pa sa normal rainfall average tuwing Agosto na 963 mm. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here