MANILA, Philippines- Mino-monitor ng National Security Council (NSC) ang sitwasyon sa bansa sa nakatakdang kaarawan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Biyernes.
”We are monitoring closely the situation and as mentioned by ‘yung ating Armed Forces of the Philippines Vice Chief of Staff kanina, wala pa naman kaming namo-monitor na significant na security threat with relation to the, kung ano ang pwede mangyari sa March 28,” pahayag ni NSC Assistant Director General Jonathan Malaya sa Palace reporters nitong Miyerkules.
Nauna nang sinabi ng Philippine National Police na naghahanda ito para sa seguridad ng birthday rally para sa dating Pangulo sa Davao del Norte ngayong linggo sa gitna ng kanyang detensyon sa the Netherlands.
Sinabi pa ni PNP spokesperson Police Brigadier General Jean Fajardo na isasagawa ang event sa Rotary Plaza ds New Corellia, Davao del Norte. RNT/SA