MANILA, Philippines – Pinagtugma ng Department of Labor and Employment (DOLE) at Technical Education and SKills Development Authority (TESDA) ang kanilang mga pangunahing programa upang madaling makakuha ng trabaho o magsimula ng kanilang sariling negosyo ang mga nagtatapos ng technical vocational trainings.
Higit na pinalakas ng dalawang ahensya ang kanilang partnership sa pamamagitan ng paglagda sa Supplemental Joint Memorandum Circular (JMC) nitong Miyerkules, Hunyo 24, sa TESDA Board Room sa Taguig City.







