Home SPORTS Slaughter malabong makabalik sa Ginebra

Slaughter malabong makabalik sa Ginebra

266
0

MANILA, Philippines – Nagulat  at natuwa si Barangay Ginebra coach Tim Cone nang dumalaw si Greg Slaughter sa kanilang practice facility sa Pasig City.

Ayon kay Cone, masaya siyang makita muli ang dating Ginebra center na minsang naging bahagi ng apat na kampeonato ng koponan.

Si Slaughter, 37, ay dating number one pick ng Ginebra noong 2013.

Nanalo rin siya ng Best Player of the Conference noong 2019 Governors Cup.

Bagaman hindi maganda ang kanyang paglisan mula Ginebra, malugod siyang sinalubong ng kanyang dating coach.

Wala namang kinalaman sa pagbabalik sa Ginebra ang kanyang pagbisita.

Giit ni Cone, “Nothing in the works.”

Gayunpaman, nananatiling bukas ang usapan ng fans na maaaring kailanganin ng Ginebra ang karagdagang big man matapos ang pagkawala ni Christian Standhardinger at injury ni Isaac Go.GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here