Home SPORTS SMB handa na kontra Meralco sa PBA finals

SMB handa na kontra Meralco sa PBA finals

Halos 12-araw na namahinga ang San Miguel Beermen at nagpahayag ito ng kahandaan sa pagsabak nila sa PBA Philippine Cup Finals kontra Meralco Bolts bukas (Miyerkules).

Naniniwala ang Beermen na mapapasabak sila ng husto sa Bolts dahil gutom ito at mapanganib na squad subalit kumpiyansa ang koponan na nasa kanila ang advantage.

Matatandaang galing ang Meralco sa isang nakakapagod na semifinals kontra sa Baragay Ginebra.

Sa kabilang banda, winalis ng San Miguel ang Rain or Shine sa kanilang bahagi ng semis bracket kaya napatagal ang kanilang pamamahinga.

Ngunit nagawa lamang ng defending champion ang kanilang game plan matapos nitong Biyernes, nang i-boot out ng Bolts ang Gin Kings sa Game 7 ng kanilang affair.

“We were off for 13 days and we can’t prepare because we just know who we will play against so we just prepared right after they won on Friday,” sabi ni SMB coach Jorge Galent.

“We’re kind of okay kasi ‘yung 11 days na ‘yon, we did a lot of scrimmages and a lot of talking about what to do in case Ginebra or Meralco win.”

Ayon sa Beermen, magiging isang paghihiganti rin ang pagsabak nila kontra Bolts dahil ito lang ang koponan na nagbigay sa kanilang ng isang talo sa elimination round.

Ngunit para sa Beermen at Bolts, pareho silang back to square one sa serye.

“It’s the past, it’s already done. We’ll just learn from our mistakes in that game and we just have to get better,” dagdag ni Galent.JC