MANILA, Philippines – Isasailalim sa yellow alert ang Luzon Grid sa Martes ng hapon at gabi, sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).
Ipatutupad ang yellow alert simula 1:01 p.m. hanggang 5 p.m. gayundin mula 6:01 p.m. hanggang 12 midnight.
Ang yellow alert status ay nagsasaad na ang operating margin ay hindi sapat upang matugunan ang kinakailangan sa contingency ng transmission grid. RNT