Home OPINION SOCIAL PENSION FOR INDIGENT SENIOR CITIZEN ILILIPAT SA DSWD

SOCIAL PENSION FOR INDIGENT SENIOR CITIZEN ILILIPAT SA DSWD

276
0

SA pamamagitan ng Executive Order No. 96, inilipat ni President Ferdinand “BBM” Marcos, Jr., ang paglilipat ng National Commission of Senior Citizens (NCSC) mula sa Office of the President patungo sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon sa Pangulo, mahalaga ang hakbang na ito upang higit pang mapalakas ang mga polisiya at programang nakalaan para sa mga nakatatanda, kasabay ng mas maigting na koordinasyon sa pagitan ng dalawang tanggapan ng pamahalaan.Batay sa kautusan, bahagi ito ng Eight-Point Socioeconomic Agenda ng Marcos’s administration na layong mapahusay ang pagiging episyente ng burukrasya at mapabuti ang paghahatid ng serbisyong panlipunan.

Kabilang sa mga pangunahing mandato ng NCSC ang pagsusulong ng adbokasiya, pakikipagtulungan sa iba’t ibang sektor, at pagbabantay sa pagpapatupad ng mga programang nakatuon sa kalusugan at kapakanan ng mga senior citizen.

Itinakda rin sa EO No. 96 na ang implementasyon, pamamahagi, at pamamahala ng Social Pension for Indigent Senior Citizens (SPISC) ay ilalagay na sa ilalim ng DSWD, na maaaring humingi ng tulong mula sa NCSC upang masiguro ang maayos na pagpapatupad nito.

Ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA), tinatayang aabot na sa mahigit 10 milyon ang senior citizens sa bansa, na patuloy na tumataas dahil sa pag-angat ng life expectancy ng mga Pilipino.Una nang inihiwalay ang NCSC mula sa DSWD noong 2019 sa pamamagitan ng Republic Act No. 11350, para magkaroon ng hiwalay na komisyon na tututok lamang sa kapakanan ng mga senior citizen. 

Ang muling pagbabalik nito sa DSWD ay nakikitang paraan upang maiwasan ang “overlap” ng tungkulin at mapabilis ang serbisyo.Inaasahan din ng Malacañang Palace na sa pamamagitan ng mas matatag na ugnayan ng dalawang tanggapan, mas mapapalawak ang mga programang gaya ng free medical check-ups, livelihood assistance, at discount privileges na nakalaan sa mga nakatatanda.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here